Ang mga catalonang ito, bucod sa siyang tatawagin sa ganganitong cailangan ay siya ring mga sangunian sa bala na (na siyang mga tinatawag natin marahil na manghuhula at gaya rin marahil ng mga astrologo (1) sa Egipto na siya namang dating sangunian ng mga tagaroon.
Tungcol sa capanampalatayahán bagay sa mĝa caluluwa ay nangananampalatayang may cabilang búhay na kinaroroonan ng mga caluluwa ng namamatay, at naniniwala ring may ibang calagayan ang mabubuti at may iba ang masasama. Ang sa mabubuti ay pinanganganlang caluwalhatian at sa tula ay ulugan at ang sa masasama naman ay solad ó casamaan.
Doón sa kaluwalhatian, anila'y nacararating din ang nangamamatay sa tabac, ang nangásasacmal nġ buwaya at ang nangamamatay sa lintic ó kidlat at di umano'y sa pamamagitan ng bahag hari umaakya't na canilang pinanganġanlang balanĝaw.
Sa pangingilin naman, ay hindi nanginginlin ang mga tagarito, maliban cung ang mga lalaki ay pasa digma, at cung ganito'y hindi' gumagawa ang mga babae sa boong panahóng yaon. At gayon din sa pitong araw ng pagbapasimula ng pamumunga ng mga halamana't bukiran, na hindi bumabayo ng palay at hindi rin nagpapapasoc ng taga ibang bayan, dahil sa di umano'y panahon ng pagdalangin sa Diyos upang pagcalooban sila ng mabuting áni.
(1) Ang mga nanghuhula ng magyayari ayon sa calagaya't anyo ng mga tala.