zón sa mga larawang sarisaring hugis na ini- ingatan sa bahay ó kung dili'y sa mga yunġib na pawang inaalayan ng pabango, pagkain at ibp. at dito sa kabisayaan (sa Sebú) nakakita ng ganito si Pigafeta (1) na anya'y nakadipa ang mga kamay, nakabuka ang mga hita at pa- tiwarik ang bali ng mga paa; ang mukha'y ma- laki at may apat na malaking ngipin na kasing laki ng mga pangil ng baboy-damó at nanga- kukulayan (2).
Sa araw at bwan naman ay nangagsi sisamba rin na gaya saKalusunan: At dito nakita ni Pigafeta ang paraan ng pagsamba sa araw, na anya'y ganito:
Sa pagpapasimula ay tumutugtog ng ilang malaking tambol; saka naglalapit ng tatlong pin- gan; na dalawa'y puno ng kanin at ng mais na nabibilot sa dahon, at may kasamang isdâ; at ang isa'y may kayong kambray at dalawang hi- dahon ng palma. Naglalatag ng kayong kambray sa lupa, sakâ lumalapit ang dalawang matan- dang babae na bawa't isa'y may tangang pakakak. Pagkatapos ay nilalakaran ang kayong kambray
(1) Si Pigafeta ay isang italiano na kasama ni Magallanes sa pagkasumpong nġ mga kapuluang ito, at siyang tanging sumulat ng aklat na tungkol sa kanilang paglalakbay at pinamagatan niyang *Ang unang paglalakbay sa Palibot ng Sangdaigdigan*.
(2) Anang iba'y hindi lahat ay gayon: kaya't sa ganang kay Rizal ay ang masasamang dinidiyos lamang marahil ang may ma- laking ngiping kasinglaki ng pangil.