Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/11

This page has been validated.


— 6 —


Unang Pangkat.


Mga Unang Tao mga Rito.
________


Isa sa mga lahing hanggang ngayo'y nangananahan dito sa mga kapuluang Pilipinas ay ang mga "Itim" o "Ita", at sapagka't ayon sa kapaniwalaan ay siyang unang nangamayan dito ay di nga maliligtaan sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang dami, di umano, ng mga ito ay may tatlong yuta at pawang nangananahan sa mga gubat at bundukin ng Bataan at Sambales at sa Silanganahg bundukin ng dakong hilaga ng Luzon na mula sa Cabo Engano hangang Baler. May ma ngilangilan ding nangananahan sa mga bundukinng mga lalawigang Rizal, Bulakan, Kapangpangan Nueva Ecija at Abra. Gayon din sa mga pangpangin ng Rio Grande sa Kagayan at sa ilog Ablug sa lalawigan ng Kagayan at sa mga dating eomandaneia ng Infanta at Principe na ngayo'y sakop ng lalawigan ng Tayabas. Bukod dito'y mayroon din sa mga pulo ng Mindoro, Panay, Negros, Mindanaw at iba pa.

Palibhasa,t nagkapangkat-pangkat ang lahing ito ay nagkaroon ng iba't ibang pangalan, na yaong mga nasa Sambales lalong lalo na yaong