Nanganiniwala rin na may Diyos sa Infierno (1) na canilang pinanganganlang Suinuran at Suigaguran at sa camay ng mga ito nahuhulog di umano ang balang caluluwang. mamatay, at may Diyos namang tagapagdala ng caluluwa. sa Infierno na pinamamagatang Diyos Magwayan, na pagdating sa balangay nito ay sinasalubong ng Diyos Sumpoy na siya namaug tagapaghatid sa Diyos Suiburanin (casama marahil ng Diyos Suinuran at Diyos Suigaguran) na anila'y siyang tagasacop sa lahat ag caluluwa, maging mabuti't maging masama; nguni't ang mga ito, di umano'y hindi pinababayaan ng Diyos Pandake (na nasa bundoc din ng Maya); kundi agad tinutubos dito sa pamamagitan ng mga maganito na siyang pangalan ng mga haying inihahandog sa canya roon sa bundoc: at sa ganito, ani P. Delgado, ay hindi lubhang pinagsisicapan ang pagpapacabuti, cundi ang pagpapacasipag upang magcaroon ng pangtubos.
(1) Ang pagkilala sa Dios sa Infierno at sa ibp. ay naging kapanaligan din sa ibang nangabansag na lupain, gaya sa Persia, India at atb, ngunit marahil ay napulot ito ng mga taga Bisayang Malayo sa Religiong *Hinduismo* ng mga taga India at siyang inugali hangang dito; sapagka't sa Religiong "Hinduismo", bukod sa kumikilala sa tatlong pinakapangulong Diyos ay kumikilala pa sa Diyos Yana na di umanoy, Diyos sa kainfiernohan: sa Diyos Ganesa o Ganabati Diyos ng karunungan at tagahawi ng kapansanan; sa Diyos Kartikeya na pinakapintakasi sa digma; sa araw na pinamamagatan nilang Sunya; sa buwan na tinatawag nilang Soma at sa ibp.