Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/117

This page has been validated.


— 116 —


dahahang asal ni Mahoma ay naibigan hangang sa naging asawa. Sa ganito‘y siya'y nagcasalapi at naluwagan sa canyang pamumuhay; anopa‘t nagcapanahon ng pag-aaral at pagmamasid ng mga bagaybagay sa sandaigdigan. .

Noon naman, ang Arabia na kanyang kinamulatan, ay siyang maitutulad, ngayon sa Estados Unidos ng Amérika, sa Inglaterra ng Europa at sa Hapon ng Asia, dahil sa kalayaan ng isa‘t isa na makapamili ng kanikanyang religion, at sa gayon ay nabuksan ang kanyang isip ng di ano lamang.

Sa kabanalan ni Mahoma ay napasasa yungib ng Hera (na malapit sa Mekka) taon taon at doon nagpapabingang isang buwan (kung buwan ng Kamadan), at minsan di umano‘y napakita sa kanya roon sa yungib ang angel Gabriel at pinagsaysayan siya ng mga lihim na bagay, na siya ang magiging profeta ng Dios at magpapaisa ng religion sa tanang kinapal na pangunguluhan ng Dios na di malirip. Saka isinakay siya, di umano sa isang kahimahimalang hayop na ang pangala‘y borak at inihatid siya mula sa templo ng Mekka hangang sa Jerusalém. Mula rito ay isinama siya ng angel Gabriel na sumampa sa pitong langit at doo'y nakipagbatian siya sa mga profeta, sa mga patriarka at sa mga angel. Sa dako pa roon ng ikapitong langit ay si Mahoma lamang ang pinatuloy, anopa‘t nalagpasan niya