Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/119

This page has been validated.


— 118 —


ikinatatangap ng Diyos sa tao. Anopa't sa gayong pananalig sa kanya ay hindi laman ang kanyang asawa't mga kaibigan ang sumampalataya kundi pati na ng kanyang mga kababaya't kalupain, hangang sa siya'y nahalal na pinakapangulo sa kanyang bayang tinubuan. At sapagka't ang kanyang munakala'y papag-isahin ng religión ang tanang kinapal ayon sa sinaysay sa kanya ng angel, ay hindi lamang ang kanyang lupain ang sinakop at hinikayat niya't ng mga humalili sa kanya, kundi pati ng mga lupain sa Europa, Africa, sa Asia at bangang dito sa Kasilanganan na dili iba't siyang pinanánaligan pa hanga ngayon ng ating mga kalupaing taga Mindanaw at taga Huló.

Ang religinóg ito ay umabot hangang sa Mindoro at dito sa Maynila at kung hindi dumating rito ang mga kastila ay naging moro marahil ang lahat ng tagarito. '