Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/12

This page has been validated.


— 7 —


mga haluang dugo ay pinanganlang Abunlon; yaong nanga sa Morriones sa Tarlak ay Aburlin; ang ibang nanga sa Kagayan, Isabela, Kapangpangan Bulakan at Bataan ay Ita; ang ibang nanga sa Isabela ay Agtas; ang ibang nanga sa Nueva´ Ecija, Kapangpangan, Sambales, Ilocos Sur, at Tarlac lalong lalo na yaong mğa haluang dugo ay Balugas; ang ibang nanga sa Sambales ay Bukiles ang nanga sa baybayin ng dagat Pacífico sa Hi- laga ng Luzón ay Dumagat; at ang nanga sa Baggaw sa Kagayan ay Parames.

Dahil sa pagkakapangkat-pangkat na ito at pagkakaroon ng iba't ibang pangalan ay pinagkaroonan ng iba't ibang isipan ng mga mananasaysay, na anáng iba'y supling sa iba't ibang lahing mga itim at anáng iba'y iisang lahi na napapangkat lamang ng angkan-angkan na sa akala ko'y itong hulé ang mapaniniwalaan.

Ang mga taong ito ay nangananahan pulupulutong na limalimangpu humigit kumulang at ang hitsura't anyo ay pandak na lilimang paa ang taas, maiitim baga man ang iba'i may kakuyumängihan, malalaki ang mata ng karamihan, kulot ang buhok at balbasin ang mga lalaki, sarat ang ilong, makakapal ang labi at mabibilog ang ulo. Hindi nangaggugupit ng buhok, malibang totoong mahaba na at kung gayon ay pinuputol ng itak ó sundang kung sakaling walang gunting. Ang ibang itim sa Bataan ay nagsisipagko-