Ikalabingwalong Pangkat.
Isipan ng Ibang Tagarito Tungcol sa Pasimulâ ng Sangkinapal
Isa sa mga kapaniwalaan ng ibang mga Tagarito na binangit ng mga mananalaysay ay itong sumusunod:
Ang mga tao sa baybayin na pinanganğanlang Iligayanes ay naniniwala na ang lupa't langit ay hindi nagkaroon ng pasimula: at di umano'y nagkaroon ng dalawang Diyos na ang isa'y nagngalang Kaptan at ang isa'y Magwayan: at ang hangin sa lupa at ang hangin sa dagat ay nagkaisa at sumuka ng isang kawayan. Ang kawayan namang ito ay itinanim ng Dios Kaptan, at ng lumaki ay pumutok na nilabasan ng dalawang kawayan na kapwa naging tao, na ang isa'y lalaki at ang isa'y babae. Ang lalaki ay pinanganlang Sikalak at ang babae'y Sikabay. Ang lalaki ay nagpahayag sa babayi na sila'y magisang dibdib, dahil sa walang iba dito sa sangdaigdigan; nguni't hindi pumayag ang babae; sapagka't sila'y magkapatid na galing sa isang kawayan. Sa katapustapusan ay nagkasundo na sila'y yumaon at kanilang isanguni ang gayon sa Lindol ng lupa, at sinagot naman sila na kai