Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/122

This page has been validated.

—121—


naghagis silang dalawa ng Diyós Magwayan ng isang lintik at siyang pumatay kay Pandaguan, at namalaging tatlong pung araw sa Infierno; nguni't pagkaraan ng tatlong pung araw ay kinahabagan siya ng nangabangit na mga Diyós at muli siyang binuhay dito sa sanglibutan. Noong samantalang siya'y patay ay napababae ang kanyan asawang si Lupluban sa isang nagngangalang Marakoyan, at di umano'y ito ang pinagmulan ng pangangalunya. Nang si Pandaguan ay mabuhay na maguli at umuwi sa kanyang bahay ay hindi inabutan ang kanyang asawa, sa pagka't inanyayahan ng kanyang kaagulo na magsalo sila sa isang baboy na kanyang ninakaw (di umano'y ito ang unang pagnanakaw na nagawa dito sa ibabaw ng lupa), at sa ganito y sinugo niya ang kanyang anák upang kaonin, at si Lupluban ay tumangi at di sumama, na ang sabi ay hindi na magbaba- lik ang mga patay dito sa ibabaw ng lupa, at. sa galit ni Pandaguan ay nagbalik uli sa Infierno.

Ang pag-aakala naman ng mga Tingian ay itong sumusunod:

Iba ang paniwala ng mga taga bundok anila'y noong una ay walâ kundi dagat at langit, at sapagka't may isang lawin na walang kádapuan, ay hinalughog ang langit at dagat dahil dito ay dinigma ng dagat ang langit na nagpakalaki-laki hangang sa itaas ng makita ng langit ang gani-