Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/123

This page has been validated.

—122—


tong asal ng dagat ay pinasibulan ng isda ang dagat at pagkatapos upang makaganting lubos sa pagkapangahas laban sa kanya ay inihagis sa dagat, di umano, ang lahat ng kapuluang ito upang ang dagat ay mapasuko at upang ang kanyang mga tubig ay maglagos sa iba't ibang dako at huwag mangyaring makapagmalaki at ito ay pinagkapasimulan ng mabario na ang ibig sabihin ay paghihigantihan sa pag-api kaya diumano'y naging kaugalian dito ang panghihiganti hangang sa di masiyahan. Saka ayon sa kasaysayan tungkol sa kawayan, ay ang lawin di umano ang siyang tumuka, kaya pumutok at lumabas yaong naging lalaki at babae na nabangit na (si Sikalak at si Sikahay). Di umano pa ng manganak si Kariuhi (isa sa mga anak ng mğa unang tao marahil ay nanganak ng lubhang marami, at nangyari isang araw na pumasok sa bahay ang ama na lubhang galit at sapagka't binalaan ang mga anak ay nangagsitakas sa takot anopa't ang iba'y nangagsipasok sa mga silid na totoong kublí, ang iba'y sa mga silid sa dakong labas ang iba'y nagsikubli sa mga dinding, ang iba'y nangagsipanaog na tumungo sa dakong da gat. Anila'y yaong nangagsipasok sa silid na totoong kubli ay siyang pinangalingan ng mga maginoo, yaong mga napa sa silid sa dakong labas ay siyang pinangalingan ng mga timawa, yaong nangagkubli sa dapugan ay siyang pi-