Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/13

This page has been validated.


— 8 —


ronita sa ulo na parang pare upang makasinġaw ang init, di umano, at yaong nanga sa Sambales ay nagsisipag-ahit kung minsan ng kalahati ng ulo, na mula sa tuktok hangang sa batok.

Ang damit ng mga lalaki ay bahag lamang sa mga balakang at ang sa mga babae ay tapi na mula sa baywang hangang sa tuhod. Ang dinadamit ay kayo kung mayroon, datapua't karaniwa'y balat ng kahoy.

Ang karaniwang kagayakan ay sarisari. Gumagamit ng kawayang suklay na may gayak na pakpak na sarisaring kulay. Nagsisigamit din ng hikaw, bitones, pirapirasong salamin at iba pa na gaya rin nito. Ang mga pinuno ay nagpapa- tulis ng ngipin sa harap, at halos lahat ay nangagsisipagkudlit sa katawan ng sarisaring hitsura na ang mga lalaki ay sa dibdib, sa likod at sa mga bisig at ang mga babae naman ay gayon, din bukod pa sa mga harapan ng hita at sa iba pang dako ng katawan.

Ang labing ito ay may ugaling magpabagobago ng tahanan, at sa ganito'y hindi nangagbabahay at ang karaniwang pahingahan ay ang paanan ng mga punong kahoy na kanilang pinagtitindigan ng balangkas na miski paano saka binububungan ng kugon ó ng miski anong dahon.

Sa pagkabuhay ay nangabubuhay sa isda, lamang lupa, sa bigás (na nangaghahasik ng palaysa dakong katahanan), at lalong lalo na sa mga