Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/14

This page has been validated.


— 9 —


hayop na kanilang nahuhuli ó napapana, at di umano'y mga totoong maibiguin sa lamán ng ungoy, saka nangagsisikain ng ahas, palaka bubulí at iba pang hayop na di natin kinakain.

Ang sakbat na kagamitan ay sibat na kawayan ó sanga kaya ng kahoy at pana't busog na may lason na kanilang ginagamit sa ano mang lakad nila.

Mga totoong magiliwin sa tugtugin at ang kanilang mga instrumento ay buho't kawayan. May sarisaring sayaw sila, na tinatawag nilang sayaw kamote, sayaw pagong, sayaw pangingibig sayaw pakikihamok at iba pa na may kahabaang saysayin dito kung papaano,

Sa pag-aasawa ay inuugali ang pagkakasun duan ng mga magulang saka ang bigay-kaya na gaya rin ng sa ibang lahing gubat. Tungkol sa pagdidiwan nito ay sarisari ayon sa iba't ibang angkan ng mga ito, nguni sa mga itim na na- nga sa bundok ng Mariveles ay ganito di umano. Nagsisipagtago sa gubat ang babae at ang mga abay niya, saka hinahanap ng lalaki at ng mga abay naman nito hangan sa masumpungan. Pagkasumpong ay ipinagsasama ang babae sa da- kong pagtatapusan ng pagdidiwan na tumutugtog ang lalaki ng gansa (na isang instrumento nila) sa harap ng babae at habang lumalakad ay sumasayaw: samantalang ang babae naman ay may takip na panyo sa ulo at mukha at lumalakad