Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/15

This page has been validated.


— 10 —

na payuko. Pagtigil ng tugtog ng lalaki ay hinahandugan ng mga kaibigan ang babae ng kanikanyang kaya. Pagkatapos ay lumalapit ang babae sa isang wari entablado na handa na kapagkaraka na may dalawang dipa ang taas at nililigid ng kanyang mga kamag-anak, saka tinatakbo at inaagaw ng lalaki na hinahawakan sa bisig at isinasampa sa itaas noong wari entablado na doon sila nauupong dalawa na magkaabrasete. Kung magkagayon ay sumasampa ang ilan sa kanilang mga kaibigan at kamag-anakan na nagsisipag-alay ng kanikanyang kaya, saka nangananaog na kasama ang bagong mag-asawa. At pagkapañaog ay sinasalubong ng isang matandang lalaki at isang matandang babae na nangagsisilagay marahil na pinaka-inaama at ini-ina at siyang nangagpapa-ala-ala ng kanilang payo sa bagong mag-asawang yaon.

Bagay sa kanilang kapanampalatayahan, di umano, ay wari ang pagsamba sa mga bagay ng katalagahan at sa mga kalulua, at ang mga matanda at ang mga namatay sa kanila ay lubhang ipinakagagalang.

Ang lahing ayon sa kapaniwalaan ay nanganahan ditong malaong panahon hangang sa dinatnan ng lahing malayo.

Tungkol sa pagkaparito ng mga ito kung paano at saan nangangaling ay di masabi at hangan ngayon ay di pinagkakaisahan ng mga