gaya rin ng sa mga taong gubat na napapangkat
ng lipilipi at angkan-angkan, na ang iba'y sa
Dabaw, ang iba,y sa Samboanga, ang iba'y sa
Kottabato at ang iba'y sa iba't ibang dako ng
Hulo't Mindanaw na pawang may kanikanyang
ngalan. Ang mga ito ang may lalong malinaw
na kasaysayan kay sa lahat ng lipi rito sa Pilipinas, dahil marahil aa maagang pagkasulong nila
sa katalinuang pakamahometano
at pagkapagingat nila ng kanilang mga alamat at mga alaala
ng dating pamumuhay ng kanilang mga kanunuan. Tungkol dito ay di dapat ligtaang basahin ang salaysay ni Naajeb M. Saleeby sa kanyang aklat na kasusulat pa lamang.
Ang ikatlong bahagi, na sa mga nagsipagkristiano at siyang mga lipiiig tinutukoy ko sa kasaysayang ito ay masasabi nating may walong lipi ang dami na dili iba't itong mga sumusunod: Ang Bisaya, na mga taong nangananahan sa maraming mga pulong napapagitan sa Luzon at Mindanaw, sa makatuid baga'y sa mga pulo ng Panay, Negros, Leyte, Samar at ibapa; ang Tagalog, na nangananahan sa kalagitnaan ng Luzon at nakakalat sa mga lalawigan ng Maynila, Batangan, Kabite, Laguna. Bulakan, Bataan, Nueva, Ecija at iba pa; ang Kapangpangan at Pang-asinan na nangakakalat sa mga kapatagan ng kahilagaan nitong Luzon; ang Ilokano, na nangananahan sa may dakong kalagitnaan ng hilaga't kanluran ni-