Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/23

This page has been validated.


— 18 —


ng mga Tagakaola at mga Bagobo sa Mindanaw na anila'y sadsad lamang sila sa lupaing kinatatahanan nila ngayon at ang kanilang pinangalingan ay isang lupaing malayong malayo. Hindi ko na bangitin ang lubhang maraming mga pangyayaring ganito sa iba't ibang lupain at totoong makapal.

Bagay naman sa pinangalingan ay masasabi nating wala ng iba kundi ang mga kalapit lupain At dito naman sa mga kalapit lupain ay wala ng ibang masasapantaha, liban sa mga lupang nasa dakong timog, na dili iba't ang kamalayahan dahil sa siyang mga tanging bayan na kahuad sa kulay tikas at anyo, kakapatid sa wika at kaayon sa halos lahat ng ayos at paraan ng pamumuhay ng Tagarito. Saka anang mga mananalaysay, siyang sali't saling sabi ng mga tao rito, na ang mga nabangit na lupain ang pinangalingan ng mga kanunuan nila. At bagay rito ay may salaysay si P. Colin na anya'y: "May isang taga Kapangpangang nakarating sa Sumatra (isang lupaing malaya) at sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan ng kanyang sariling wika at siya'y nakisagot na parang siya'y ipinanganak sa dakong yaon, anopa't tuloy sinabi sa kanya ng isang matanda na kayo'y mga inapo ng mga nagsi-alis dito noong unang dako na nangamayan sa ibang lupain at di na namin nangabalitaan. "

Nguni't may isang bagay na hindi lahat ng