Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/24

This page has been validated.


— 19 —


tao rito ay Kapangpangan ó Tagalog mang ó Bisaya, kung di may taong gubat at may taong bayan, may Igorot at may Tingian, may Tagalog at may Bisaya at marami pa.

Ang kadahilanan nito, sa akala ko, ay sanghi sa pagkakapangkat pangkat ng mga bayan malayo (ó lahing pinangalingan ng mga Tagarito) saká ang pagkakapangkat pangkat pa uli rito.

Kung ating ngang lilingunin at liliningin ang kamalayahan na pinangalingan ng mga Tagarito ay matatanto nating unauna na doo'y may kinikilalang tatlong uri ng tao na dili iba't ang orang benúa (ó taong gubat), ang orang-laut" (ó taong dagat) at ang orang-malayo (ó taong bayan). Sa una na orang-benúa ay masasapantaha na siyang pinangalingan ng ating mga taong gubat, na dili iba't siyang sapantaha ng mga kilalang mananalaysay ngayon. At ito'y mapaniniwalaan dahil sa pagkakaparis ng pamumuhay ng mga ito sa pamumahay ng mga iyon: maliban marahil ang iba nitó, na gaya ng Tingian at iba na sa akala ko'y kauri rin ng mga lahi ritong kristiano ngayon na nagsipangubat lamang dahil sa pag-ibig marahil na manatili sa kanilang kalayaan at sa ganito'y náurong sa pagsulong sa katalinuan.

Tungkol sa orang-laut at orang malayo ay di mapagtatakhang siyang pinagmulan ng mga taong bayan dito ayon sa kanilang ayos at paraan nang pamumuhay.