Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/27

This page has been validated.


— 22 —


nátatag na isang pamahalaan, At sapagka't may malalaki't maliliit na sasakyan ay nagkamalalaki't maliliit namang balangay ó pámahalaan.

Ang bilang ng mga tao sa pinakamunting balangay ay limang pú at sa pinakamalaki ay umáabot ng hangang pitong libo.

Ang ibang mga balangay ay magkakasundô at hangang sa naglalakip-lakip (1) upang kung salakayin ng mga kaaway ay huwag masupil; nguni't ang pagkakalakip na ito ay sanhi ng pagkakasunduan at hindi ng pagsasáilaliman ng isa't isá: ano pa aga't bawa't balangay ay may kanya ring sariling pangulo, liban na sa panahon ng digma na pumipili ng isang mangungulo sa kanilang lahat.

Ang pangalan ng pangulo sa bawa't balangay ay Dato na ang kahulugan sa wikang Malaya (ani Dr. de Tavera) ay nuno ó lelong: ano pa nga't dito'y ating mapagninilay na ang ayos sa pámunuan ay isang pamumuno sa gulangan. Itong tawag na Dato na pangulo ay nananatili pa hanga ngayon sa Holó't Mindanaw. Ang pangulo namang nagpupuno sa samasamang balangay ay nagkakapamagat ng Laca o Raja ó Ladya ó Radja. Mula ng lumitaw ang maho-
__________

(1) Ani Rizal. ay di malayong ang ganitong paglalakip ay malaon nang inúugali rito at sa katunayan (anya'y) ang pangulo rito sa Maynila ay pinakapangulong General, ng sultán sa Borneo; ayon sa patotoo ng mga kasulatan noong siglo XII,