Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/28

This page has been validated.


— 23 —

matismo (pananalig kay Mahoma) ay ginamit ang salitang sultán. Di umano'y may nagpápamagat din ng Hari na siyang dating kapangalanán sa mga dakilang pinuno sa India, at ang kahulugan sa sanskrito, ani Dr. de Tavera. ay Brahma, araw, Vishnu.

Ang pamumuno ng pangulo ay paratihan ó sa tanang buhay. At ang pagkapuno't pagkamáginoo ay minamana ng anák at kung sakaling wala, ay mga kapatid ó kamag-anak na malapit, ang humahalili. Ang tungkulin ng mga ito ay pagpunuan ang kanikanyang sakop at kampon at tuloy lingapin ang kanikanilang usapín at kailangan; at ang sabihin namán ng mga ito ay iginagalang at ginaganap ng kanikanyang sakop na mga tao. Iginagalang din ang mga kamag-anak at inapó ng mga puno, na kung baga ma't hindi nakapagmana ng pagkapuno ay pawang ibinibilang namang taong-mahal at ipinakatatangi sa mga taong karaniwan. Kung paano ang kamahala't pagkamaginoo ng mga lalaki ay gayon din ang sa mga babae (1).

Sa mga balangay na nabangit ay may tatlong kalagayan ng tao: Una'y ang mga mahal
__________

(1) Ani Rizal ay naáayon sa kautusan ng katalagahan (naturaleza) ang pag-uugaling itó ng mga dating pilipino, na higit kay sa mğa taga Europa na nawawalan ng kamahalan ang babae kung nagsasawa sa mababa kay sa kanya, dahil sa isinasalalaki amang ang kamahla't kababaan. Anya'y isang katunayan ito na ang mğa babae nga rito'y, pinagbibigyan na mula pa noong una.