Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/29

This page has been validated.


— 24 —

na pinamamagatang Maginoo o Ginoo; ikalawa'y ang mga nakaririwasa na pinamamagatang timawa (ó payapa) at anáng ibang mga mananalaysay ay maharlika ang pamagat, na sa wikang Malayo ani Dr. Tavera ay laya ang ibig sabihin; at ikatlo'y ang mga alipin na ya'y oripun.

Ani Colín, ang mga lalaking may mahal na uri ó mga maginoo ay nagpapamagat din ng Gat ó Lakan, gaya ng Gat Maitan, Lakán Dula at iba pa at sa mga babae nama'y Dayang gaya ng Dayang Mati, Anang iba'y naging karaniwang kasambitan din ang ating kinauugalian pa han- gang ngayong mama (amain) ó mang sa mga lalaki at ang ale sa mga babae.

Sumusunod sa uring ito ang mga timawa (payapa) o maharlika (laya). Ang inga ito'y tangi sa ibang uri na walang sinasailaliman libang sa kanilang Dato ó pangulo. Hindi rin nangagsisibayad ng buwis at ang paglilingkod na ginagawa ng mga ito ay ang tungkol lamang sa naayon sa ugali. Itong ugaling tungkulin nila, ay ang sumunod sa utos ng pangulo ó puno sa panahon ng digma: kaya't ang mga ito ang siyang nangagsisibuo ng kawał ó hukbo ng balangay at sa ganito'y may pamagat na kabalangay. Bukod dito ay tungkulin din nila ang tumulong sa pangulo ó Dato kung panahong nagbubukid ó umaani at gayon din sa pagtatayo ng bahay, sa