Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/30

This page has been validated.


— 25 —

pag-gaod sa sasakyan niya kung sakaling naglalayag ngunit sila'y pawang pakain sa loob ng boong panahong kanilang ipinaglilingkod.

Ang sumusunod sa nangabangit ay ang mga alipin, na sa Bisaya'y oripun, at ang mga ito'y may dalawang kalagayan ng pagka-alipin: ang aliping namamahay at ang aliping sagigilir: itong hulí sa Bisaya'y tinatawag na nĝalon.

Ang aliping namamahay ay pinagbibigyan pakundangan. Ito'y may bahay na sarili; kaya't may pamagat na namamahay, at sa panahong kinakailangan lamang naglilinkod sa panginoon, at ang paglilingkod na ito ay sa pagbubukid at pag-aani ng kanyang panginoon, at gayon din sa sasakyan kung sakaling naglalayag. Kailangan din tumulong sa pagpapagawa ng bahay ng panginoon at tuloy naglilingkod sa bahay nito kung sakaling may panauhin, ano pa nga't tungkulin ng aliping namamahay ang maglingkod sa panginoon kailan ma't kakailanganin; nguni't natatangi sa ibang alipin dahil sa may sariling bahay at saka hindi naipagbibili. Wala ring namang bayad sa paglilingkod, at sa madaling sabi ay siyang mga tinatawag nating kasamá, bataan, kampon, tao at ipa pa. Nakalilipat din naman ang aliping ito sa kalagayang timawa ó maharlika kung nagbabayad sa kanyang panginoón ng katampatang halaga na ayon sa kaugalian.

Ang aliping sagigilir ó ngalon ay siyang tu