Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/32

This page has been validated.


—27 —

Ang mga anák at inapó ng mga aliping itó, magíng namamahay at maging sagigilir ay nagmamana ng kalagayan ng magulang, na siyang dating kaugalian sa halos lahat ng lupaing malayo. At ang pagkaalipin nitong mga aliping namamahay at sagigilir ay sari-sari, dahil sa mayroong buô ang pagkaalipin, at mayroong kákalahati at mayroon namang ikapat na bahagi lamang. Ang dahil ng pagkakaganito ay mababasa sa pangkat ng kaugaliang pinanununtunan sa mga kapaslangan at sigalutan.