Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/34

This page has been validated.


— 29 —

lálawit ng mga dulo ng panyóng ito na pinaáabót hangang sa batok. Sa kulay nang panyo ay napagkikilala ang pagkapuno, dahil sa siyang ginagamit na pinakasagisag sampu sa kanilang pakay at kataasan. Ang síno mang hindi pa nakakapatay (marahil sa digmá, ng isa man lamang, ay hindi tinútulutang gumamit ng putong na pulá at kaya't makagamit ng ikid ó pugong na parang corona, ay kung nakapatay na ng pitó Ang pinakadagdag na kasuutan ay isang mainam na nakukulayang kumot na isinasalabat sa balikat, saka ibinubuhol sa may ibaba ng bisig, at ang kayong dinaramit ay sutla't babarahin. Bagay naman sa paghihiyas ay nangagkukuwintás ng tinanikalang ginto na iniíkid sa liig at ang pagkakákawing-kawing ay gaya ng sa mga taga Europa; nangagsusuót sa bisig at galang-galangan ng kalombigas (pulsera) na gintong tinipi at may anyong sarisari, na tuloy sinásaglitan ng mahahalagang batóng kawigin at ágata, puti't bughaw ang mga pinakamahál. Anáng iba'y gumagamit din ng garing; at sa mga daliri naman ay nangagsisingsing ng ginto't iba't ibang bató. Sa ibang dako naman (sa katagalugan marahil) ay may kaibhán dahil sa nangagbabaro at nangagsásalawal ang mga lalaqui, at kung may pinaróroonan ó napasa sa simbahan (sa pagparoon lamang sa mga simbahan, sa akalá ko) ay nananamit ng isang kasuutang kulay itim na kung tawagi'y sarampuli. Ang kasuotang ito'y mahaba na abot