Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/35

This page has been validated.


— 30 —

hangang paa at ang mangas ay makipot na di umano'y isang kasuotang lubhang mahinhin. Kung isuot ito ng mga tagalog ay buo at parang sapot, na ano pa't sa ulo pinapagdaraan at isang kasuotang karaniwan. Ang mga babayi naman ay nangagbabaro at nangagsasaya, at kung may pinaroroonan (sa pagpa sa simbahan din marahil) ay gumagamit ng isang pantakip sa ulo na abot hangang paa at kulay itim ang pinakapipiling kulay, saka nangagtatapis; nguni't ito'y higit na inuugali sa katagaluga't kapanayan kay sa kabisayaan. Bukod dito'y nangaglalagay sila sa buhok ng pusod na tangalin (postizo) na ang ipinang-aalalay ng lalaki't babae ay ipit na ginto o pilak na may batong perlas o diamante sa pinakaulo, at kung hindi naglulugay ng buhok ang lalaki ay nagtatali sa noo ng panyo na kung tawagi'i purug, at ang mga babae naman kung napasasadaan ay nangagsasalakot na ang tawag sa Bisaya'y sarok.

Sa lalawigan nang Sambales, ang lalaki'y nag-aahit ng buhok sa harapan ng ulo at sa kaymotan ay nag-iiwan ng isang kumpol na lugay na, ani Rizal, ang ayos na ito ng pagbubuhok sa Sambales at ang pananamit ng mga taga Bisaya, ay nahahawig sa kimono Hapon. At ang mga babae sa lalawigang ito ay nangagbabaro ng sarisaring kulay at nangagsasaya rin, at ang mga may mahal na uri ay nangagkukundiman, nangagsusutla at nangananamit ng iba't ibang kayo na