Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/36

This page has been validated.


—31—

pinamumutihan ng ginto at ng sari-saring gayak na palawit; nangagkukuwintas ng tinanikalang ginto, nangagkakalombigas (pulsera) sa galanggalangan, nangaghihikaw sa tainga ng makapal na tiping ginto at nangagsisingsíng sa daliri ng ginto rin at sari-saring hiyás.

Sa Katanduanes naman ay nangagsasaya ang mga babae ng ayon sa ugali ng mga taga Bisaya, nangagsisigamit ng mahahabang balabal, ang buhók ay pusód, na mainam ang pagkasuklay at sa nooʻy may sintás na nababatikan ng ginto, na ang luwang ay dalawang dali. Sa bawa't tainga ay nakahikaw ng tatlo, isa sa kaugalian ngayon at ang dalawa'y sa may dakong itaás na magkasunód: at marahil ay ang mga ito rin an sinasabi ni P. Chirino na nagsisipaggayák ng kakatwa sa bukong-bukong.

Ang mga taga Bisaya naman ay nangaggugupit ng buhók na kagaya ng sa dating kau- galian sa España at nangagpipinta sa katawan ng sari-saring anyô at kulay. Ang pagkakapinta'y mainam at bagay-bagay at anang iba'y hindi lamang katawan ang pinipintahan kundi pati ng baba't kilay, Ang paraan ng pagpipinta, bago gawin. ay ginuguhitan muna ng mángangatha ng akalang maáayo't mábabagay sa katawan at gayon din sa pagkalalaki ó pagkababae, saka pinipintahan. Ang panguhit na ginagamit ay kawayang parang pincel na matulis ang dulo at siyang ipi-