kanikanilang pinakapangulo (1) na kung minsa'y nagiisa at kung minsa'y kasama ng isang datò sa balangay ng isang maginoo sa nayon: at ang pangulo sa balangay ay may sakdal na kapangyarihan na maaaring gumawa ng ano man na walang sanguni sa iba, at sa ganito, ang magkulang sa kanya ay naparurusahan niya ng kamatayan ó pagkaalipin ó pagbabayad kaya ng isang gayon.
Ngunit sa pagmumungkahian at mga sigalot ng magkakasambahay ó ng magkakamag-anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa nayon ang pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig naman ng mga may sigalot:
Sa pagpaparusa naman ay walang bilibid ó bilanguang gaya ngayon, kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang pagbayarin ng isang gayon ó alipinin kaya at kung totoong mabigat ay nilalapatan ng parusang kamatayan. At upang matanto ng manbabasa ang mga tuntunin sampú ng mga salang kinalalapatan ng mga parusang nábangit ay aking ihahanay dito sa sumusunod.
(1) Nguni't ani P. Placencia ayon sa salaysay ni Dr. T. H. Pardo de Tavera, kung may hilig sa kanino man ang pangulo ny pumipili sa ibang balangay ng mailalagay na pinakahukom at di umanoʻy may mga kilalang gayong tao na humahatol ng walan hilig.