Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/47

This page has been validated.
— 42 —


amá ó ng iná na palamangan ang sino man sa kanilang anak ng dalawa ó tatlong putol na ginto ó ng isang hiyás kaya. Kung ang isa sa mga anák ay nag-asawa sa isang uring maginoo at dahil sa kalakban ng kanyang bigay-kayang ipinagkaloob ay makahigit sa mana kay sa kanyang mga kapatid ay hindi ibinibilang ang kahigitang yaon; datapua't ang ano mang bagay na ibinigay ng magulang sa kanino mang anák maging sa pangangailangan ó hindi ay ibinibilang sa pagmamanahan.

Kung sa pagmamanahang itp ay may isang aliping nauukol sa lahat ng magmamana ay binabahagi ang panahon ng paglilingkod nito sa bawa't isa sa kanyang papanginoonin ayon sa pagkakasunduan nila. Kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin, kungdi kakalahati ó ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay pagbabayaran ng mga panginoon ang paglilingkod niya sa panahon ng kanyang kalayaan ayon sa kanyang pagkaalipin.

Mğa anák sa una't huling astora. —Kung ang sino man ay nakapag-asawang makalawa at kapua pinagkaroonan ng anák ay nagmamana ang isa't isa sa mga anak ng ayon sa mana't bigay, kaya na ukol sa kanikanyang ina, at ang pag-aari ng amá ay binabahagi sa lahat na walang palamang sa kanino man.

Mġa anák sa tunay na astora at mga anák