Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/48

This page has been validated.
— 43 —


sa alipin. —Kung ang sino mang lalaki ay nagkaanak sa tunay na asawa at nagkáanák pa sa alipin ay hindi nagmamana ang sa alipin; nguni't ang aliping naanakan ay pinapagiging-laya at ang anák ay pinagkakalooban ng miski ano, na kung maginoo halimbawa ang lalaki, ay isang putol na ginto ó isang alipin kaya,

Mĝa anák sa asawa at mga anak sa babaeng kinakasama lamang.--Kung ang isang lalaki ay nagkaanak sa asawa at gayon din sa isang babaeng laya na hindi asawa ay hindi nagmamana ng magkakasingdami ang mga anák, kungdi ang dalawang ikatlong bahagi ng tinatangkilik ng amá ay iniunkol sa mga anák sa tunay na asawa at ang ikatlong bahagi ay sa mga anák sa babaeng laya na kinakasama lamang at di tunay na asawa.

Mġa anák sa di asawa.—Kung ang sino man ay walang anák sa tunay na asawa, kungdi sa babaeng kinasama lamang ay nangagmamanang lahat ang mga anák at kung sakaling may anák sa alipin ay pinagkakalooban lamang ng ayon sa nabangit sa dakong una.

Kung walang kaanák-anák liban sa alipin lamang ay walang nagmamana, kungdi ang magulang ó nuno ó mga kapatid ó mga kamaganak na malapit ng namatay at ang ipinagkakaloob lamang sa mga anák sa alipin ay ang gaya rin ng nábangit na.

Mğa anák sa kaağulo.—Ang mga anák sa ka-