aagulo ay hindi nagmamamana ng ano man at inaari pang masamang uri, (1)
Sa Inaring Anak.—ang pag-aring anak sa iba ay totoong kaugalian at sa pagmamanahan ay nagmamana ng ibayong halaga ayon sa ibinigay ng ama ng siya'y ipaaring anak: ano pa't kung ipinagbigay siya ng isang putol na ginto ay magmamana siya ng dalawang putol sa pagmamanahan.
Sa Bigay---kaya.
Ang nanunungkol ng bigay-kaya ay ang lalaki at ito'y ayon sa kasunduan. Ang kasunduang ito ay karaniwang pinagkakayarian ng mĝa magulang mula sa pagkabata ng mga anak, at kung gayon ay katungkulan ng nga magulang ng lalaki na ipagpauna ang kalahati ng bigay-kaya na pinanganganlang kalabgayan at pagdating ng araw ng pag-aasawa ay saka ibinibigay ang kalahating kabuoan na pinanganganlan ligay ó dahik.
(1) Ang ganitong asal sa sarisarig anak, ani Rizal, na ang mĝa anak sa tunay na asawa ay nagsisipagmana ng magkakasindami; ang mga anak sa babaeng kinasama ay nagmamana ng isang gayon, ang mga anak sa alipin ay hindi pinamamanahan ng ano man, nguni't pinapagiging laya sampu ng kanilang Ina; at ang anak sa kaagulo ay inaaring masamang uri ay nagpapakilala ng taos na katalinuan at bait ng mga dating Tagarito.