Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/50

This page has been validated.


— 45 —

Ang bigay-kaya ay napapa sa magulang ng babae. At ang babae sa kanilang pagkadalaga ay walang ano mang tinatangkilik at kahi ma't kumikita ay sa magulang din.

Ang kasunduang mulâ sa pagkabata at may páunang kalabgayan ay kinasasanghian kung minsan ng ligalig, dahil sa kung lumaki ang mga batà at umayaw ang sino man sa kanila ay inuusap ang magulang ng umayaw dahil sa sapantahang siyang nag-udyok. Nguni't kung patay na ang magulang ng sino man ay nagsasaulian na lamang at hindi nas nag-uusapin. Kung ang sino man ay magsabi na ibig niyang mag-asawa kay gayon at sa kaarawan ay umayaw ay pinarurusahan ng mahigpit at kung mayaman ay sinasam aman ng malaking bahagi ng yaman.

————————
Sa Pakikiagulo
————————

Ang salang makiagulo, palibhasa't sigalot sa sambahayan ay karaniwang sa matatanda isinasakdal, at ang karaniwang parusa na inihahatol naman ng matanda ay pagbayarin ang nakiagulong lalaki ng isang gayong halaga (1) sa asawa ng babae na


(1) Ang dating ugaling ito ng mga Tagarito, ani Rizal, ay inuugali ngayon ng maraming lupain sa Europa, at anya'y wari lalong mabuti't matuid kay sa awayin ang umagulo na ang kadalasang nangyayari ay siya pang nalalagay na katua.