Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/51

This page has been validated.


— 46 —


pinakapantakip . sa nasirang dangal. At sa minsang nabayaran ay nagsasama uling tiwasay ang mag-asawa at nililimot na ang bagay na yaon, at pati anak ay hindi inaaring anak sa pakikiagulò.

Datapua't ang asawa ng isang pangulo na magkasala ng pakikiagulo ay nilalapatan ng parusang kamatayan, at ang lalaking umagulo ay pinapatay kung mahuli ó kung nakataanan ay pinapagbabayad ng isang gayong halaga.

————————
Sa Paghihiwalay ng mag-asawa.
————————

Sa mga ganitong sigalot ay matatanda ang humahatol na kasama ng mga kamag-anakan (1) ng magasawang naghihiwalay.

Kung ang mag-asawa ay naghihiwalay ay hinahati ang kanilang kinita sa kanilang pagsasama, nguni't ang dating pag-aari bago nagsama ay hindi hinahati, kungdi dinadala ng isa't isa ang kanyang dati.
————————

(1) Ani Rizal ay makapupong magaling kay sa kautusan ngayon ng mga Frances at mga Ingles, sapagka't anya'y wala nang iba pang magaling ng humatol sa mga sigalot ng sambahayan na gaya ng matatanda't mğa kamag-anakan nila na lubos na nakatatalos ng kanilang pamumuhay.