Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/53

This page has been validated.


— 48 —

Ang mahuling mangaway ó mangkulang ay kamatayan din ang parusan inilalapat.
Ngunit kung humingi ng tawad ay pagkaalipin na lamang at kung may salapi ay maaaring magbayad ng isang gayon at huag maalipin, at kung gayon ay ibinibigay ang kalahati ng salapi sa ginawan ng masama at kalahati ay sa mga hukom.

Ang panunungayaw ay inaaring malaking sala lalonglalo na kung sa mayaman, sa matanda ó sa babae, at pinarurusahan ng isang gayong halaga ó kung dili ay pagkaalipin. At kung ang tinungayaw ay pangulo ó maginoo ay kamatayan ang parusang inilalapat, malibang patawarin na kung gayon ay pagkaalipin na lamang.

Ang tumingin ng walang galang sa pangulo at ibp. na gaya nito ay nilalapatan ng parusang pagkaalipin sa tanang buhay, nguni't di umano'y bihirang mangyari ito, dahil sa pinakakaingatang malabis ng mğa, kampon.

Kung sa gabi ay pumasok ang sino man sa bahay ng isang pangulo ó maginoo ng walang kapahintulutan ay nilalapatan ng parusang kamatayan, at karaniwa'y pinahihirapan muna, dahil sa baka sakaling ginagamit na tik-tik ng ibang pangulo; at kung sakaling matunayan na sugong tik-tik ay nilalapatan ng parusang pagkaalipin at sa nagsugo ay kamatayan, malibang magbayad ng isang gayong timbang na ginto.