Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/55

This page has been validated.


— 50 —


Pagbabayad ng Paratang.


————————

Ang karaniwang kahatulan sa mga usapin ay pagbayarin. Ang pagbabayad ay ganito; na ang kalahati ng bukid at ng tanang tinatangkilik ay napapa sa panginoon, na tuloy paglilingkuran niya samantalang siya at ang kanyang mga anak ay pakain at padamit. Kung sakaling hindi makabayad sa kaukulang panahon ay nangagiging alipin: at di umano'y kung sakaling makabayad man ang amá ay sinisingil ng panginoon pati nġ ipinakain at ipinadamit sa mga anák, at kung walang maibayad ay nagiging alipin ang mga anák.

Kung ang nagkausaping nahatulang magbayad ay walang ibayad at ipagbayad ng isang kaibigan ay sa kaibigan nagbayad maglilingkod, datapua't hindi parang aliping sagigilir, kungdi parang aliping namamahay. Ngunit kung hindi maglingkod ng ganito ay ipalalagay sa kanyang patubuan.

————————
Pagcaalipin.
————————

Ang, sino mang mabihag sa balangay na kaalit ay inaalipin.

Ang may utang na walang ikabayad ay inaalipin at di umano'y sa mga ganitong bagay ay