(sampú sa ibang manga wika rito) ay may nahahalaw na manga salitang árabe, gaya ng utak, alak, paningkayad, lahi, taksil, libo, lasap, sipat, sulat, huhod, salamat, salawal, hukom, hiya, asara at ibp; may manga salita ring sanscrito, gaya ng kastuli, halaga, kalapati, kuta, pana, sinta, kasubha, tinga, tumbaga, laksa, yuta at ani Dr. Pardo de Tavera ay lahat ng salitang may kahulugang
katalinuan, kabaitan, damdamin, pamahiin, pangalan ng mga dios, ng mga tala, ng bilang na may kataasan, ng mga halaman, ng digma sampu ng
mga bagay bagay at hanga nito at katapustapusan ay ang mga pangalan ng mga titik ng kamahala't pagkamaginoo, ang panglan ng ibang inga
hayop, ug mga kasangkapang pangawa at ang pangalan ng mga salapi. Ano pa nga't ayon dito'y ating mapagbubulay na doon pa sa Malaya ay
hiniram na ng mga tagarito sa mga taga India ang mga salitang iyan at marahil ay noong panahong ang kapangyarihan ng India ay lumalaganap sa kamalayahan na siyang pinagbuhatan
ng mga tagarito.
Bukod sa mga salitang hiram sa árabe at sa sanscrito ay may hiram rin sa mga insik, gaya nġ susi, impo, chaa, pisaw, tinsem, sotanhon, mike, misua, pansit, bulang-lang, bihon, mangkok, suliaw, at ibang mga salitang kalakal-insik.
Gayon din ang kastila, na sapagka't namuno ritong malaong panahon ay nakapaghalo rin ng8