Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/64

This page has been validated.
— 59 —

mga salitang tungkol sa pananampalataya, sa karunungan, sa kasangkapan at sa pagkain at ibapa gaya ng Dios, Espiritu, Santo, Virgen, manzanas, sapatos, kabayo, kumpisal, baso, misa, piso, tabako, parò, cura, pamalo, biguela, karwahe, tranvia. mantiku, at iba pa.

Sa mga lupaing malaya ay di natin masabing may hiram sapagka't ang mga tagarito ay malaya rin, at ito'y malinaw nating natutunayan sa pagkakahawig ng mga salita sa mga salita ng lahat ng wikang malaya, (1) gaya ng mga wika sa Java, Sasak, Makassar, Bugis, Bouton, Salayer, Tomere, Tomohon, Langowan, Ratahian, Belang, Tamawanko, Kema, Bantek, Menado, Bolang-Itam, Sanguir, Salibabo, Sula,n Kaheli, Wayapo, Massaratty, Amblaw, Ternate, Tidore, Kaioa, Batchian, Gani, Sahoe, Galela, Liang, Morella, Batu-merah, Lariki, Saparua, Awaiya, Kamarian, Teluti, Ahtiago, Gah, Wahai, Goram, Matabello, Teor, Ke, Aru, Mysol, Dorey, Teto, Baikeno, Brissi, Sabu, Rotty Allor, Solor, Bajaw, at iba pa.


(1) Basahin ang kay Alfred Rsusell Wallace na "The Malay Archipiélago“