This page has been validated.
Tungkol dito sa pagbasa't pagsulat, ayon sa mga mananalaysay, ay pawang marunong bumasa't sumulat ang mga lalaki't babae rito.
Ang hitsura ng sulat ay sulat-malayo at di umano'y hango sa sulat ng mga taga Arabia.
Ang sa tagalog ay may labing apat na konsonante na gaya ng sa Árabe at ng wikang pahlabi ng mga Persa noong Edad media; ang sa Pangasinan, Ilokano at Bisaya ay tiglalabing dalawa, at ang sa Kapangpangan ay lalabing isa; ngunit ang paraa't ayos ay magkakaisa, gaya ng makikita sa sumusunod:
Ang mga bokal ay tatatlo lamang na gaya
rin ng sa árabe dahil sa ang e at i ay iisa at
gayon din ang o at u.