Ang pagkakalakalan dito na noon pang ma'y laganap na bago natuklasan ito ng mga taga Europa ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.
Kapagkaraka nga, di umano, ay may mga sadya ng pamiliha't tiyangihan ang mga bayan- bayan at balabalangay, lalong lalo na rito sa Kalusonan at Kabisayaan, ang mga karaniwang kalakal ay bigás, palay, isda, kayo, almas, mĝa bunga ng kahoy, hiyas at iba't iba pang mga kakainin kasangkapan at mga kagamitan sa lupaing ito.
Ngunit bukod sa mga pagkakalakalang ito ng mga tagarito ay may pakikipagkalakalan rin sa mga kalapit lupain, lalong lalo na sa mga taga Malaya na nagsisidayo rito: kaya't ng dumating rito sina Legaspi ay may isang sasakyan ng mga morong malayo na totoo nilang nakalaban sa pulo ng Bohol, at anáng mga nabihag (na mga morong malayo) ay pangangalakal ang kanilang ipinarito. At sa Cebu man ay may nakatagpo rin ang mga kastila na sasakyang mula sa Siam ua doo'y nakikipagkalakalan.