Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/78

This page has been validated.


— 73 —


tagá Borneo, at taga iba't ibang lupaing calapit upang magbilí, hangang sa nagcamurang totoo, na noong 1573 ay ipinagbili rito sa Maynila, ng anim na piso't cahati lamang ang isá. At maraming sasacyan dito sa Luzón, anáng isang mananalaysay, ay dumadayo sa Butuan, upáng ma- mili, sapagca't bucod nga sa inġa bihag ng mga moro roon na ipinagbibili ay nagbibili rin, di umano, pati mga insic at hapón ng mga galing namán sa canicanilang lupain.

Gayon din ang calacal na sigay na isa sa mga calacal na dinadayo rito ng mga taga Siam, taga Kambodhe at mga taga iba pang lupain dahil sa siyang pinacasalapi sa canicanilang lupain.

Bagay naman sa mga mahalagang bató rito na ang iba'y kinacalacal ng mga tagarito ay di co na bangitin dahil sa nangangailangan ng totoong mahabang salaysay sa cayamanan ng lupaing ito sa mga mahalagang bató.

Tungcol sa pagbabayaran ay hindi gumagamit ng salapi, cung di gintong durog ang itinitimbang na totoong macapal sa lupaing ito anang mga mananalaysay. Ang pangalan ng mga panimbang, ani Dr. Pardo de Tavera, ay pangalang insic gaya ng tael ó tae na nababahagi ng dalawang tinga at isang tinga ay may isang sapaha at isang sapaha ay pitong sema at ang caliitliitan, di umano, ay ang sangasahe; nguni't sa pagtim- bang ng mga calacal ay gumagamit ng pikul.