ng iba sa magcabilang panig na tuloy tinutugmaan nilang lahat ng mga awit (1) na siya ni-lang pinagcacaunawaan cung patatachuhin ng matulin ó ng marahan. Sa ibabaw nito ay may isang lapag na nacatatakip sa mga mangagaod. Ang lapag na ito ay matibay na nalalacaran ng mga taong pangdigma at nilululanan ng ayon sa caya ng sasacyan. Sa lapag na ito naglalagay ng layag na pinapagtitibay sa dalawang cahoy ó cung may calac-han ang sasacyan ay pinapagtatatlo ang cahoy ó cawayan at ang namaniahala naman sa tungo ng takbo ng sasakyan ay sa hulihan lumalagay. Bukod dito'y may hinubugang balangkas na may atip na pawid at siyang ginagamit na pinakakarang kung umuulan ó sumisikat ang araw: anó pa,t, pawang nasisilong ang tanáng ulan. Ang magkabilang panig ng sasakyan ay may katig na malalaking kawayan na duopduop na bagá ma,t, sumasayad sa tubig ay dí nakababagal sa takbo at ito'y siyang tumitimbang na mabuti sa sasakyan at nakahahadlang tuloy sa pagkataob kung sakaling napúpunô ng tubig. Ngunit may lalo páng malalaki na nakapaglululan ng isang daang mangagod sa bawa't
(1) Ani Colin ay mga awit na kanilang isinasaulo at itinutugma na kanilang paggaod sa mga sasakyan, at binabangit sa kanilang mga pistaha't sayawan at sa lahat ng gawaing pinagtutulungan. Ang binabangit, di umano, sa nga pag-awit ay ang mga kagilagilalás na pamumuhay ng kanilang mga Dios.