Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/82

This page has been validated.

—77—


panig at sa ibabaw ay tatlong pung sundalong pandigma (1)

Sa mga tagarito naman, dí umano, ay maraming marunong tumabas at gumawa ng mga sasakyang-tubig, na lalong lalo na sa Katanduanes na aní Morga ay magagaling na mangagawa ang mga tagaroon na nangakagágawa ng malalaki,t matutulin na ipinagbibili nila sa mga kalapit pulo. At saká dí umano'y nangakagágawa rin ng mga huegong sasampuin at lalabing dalawahin na pinapagsususonsuson at pawang buong puno na pinag-ukáan lamang saka pinapahiran ng alkitran.

——————
(1) Ang mga tagarito, ani Rizal, na di lubhang alangan sa mga taga Marianas tungkol sa pagdadagat ay di lamang di nasulong, kungdi naurong pa sa katalinuang ito, at kung baga man anya't ngayo'y nakagagawà rito, ng mga sasakyang-tubig ay halos pawang kaanyó na ng sa mga taga Europa. At yaong mga sasakyang nakapaglululan ng isang daang mangagaod at tatlong pung sundalong pandigma ay naparam na; at ang mga lupaing ito na noong unang dako ay nakagagawa ng mga sasakyang halos 2000 tonelada ay na- ngangailangan na ngayong sa mga kalapit lupain magpagawa na gaya sa Hong-Kong upang doon ibigay ang salaping kinukuha rito sa mga mahirap.