Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/84

This page has been validated.

—79—

Sa Kabisayaan ay wari gumamit din ng mga almás na ito, dahil sa isang sulat ni Legaspi sa hari tungkol sa mga morong natuklasan sa Panay, na anya'y: "Itong mga huli ay may mga artillería (ó pagawaan at pabubuan ng kanyón, baril at pulburá) na sila rin ang bumububô at gumagawa pati ng mga pulburá at ng iba't ibang almás" saka niya sinundang "Ipinadadala ko po sa iyo iring dalawang almás na tanso na yari ng mga moro sa lupaing ito upang påniwalaan pó ng iyong kamahalan ang katalinuan nila sa paggawa at pagbububô ng mga canyón.

Ani J. P. Sanger at ng mga kilalang mananalaysay ngayon ay sa mga insic at mga moro marahil nangatuto nito.