Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/87

This page has been validated.


— 82 —

Pagkatapos na pagkayarian ang bigay-kaya ó bugey ay ipinagdidiwan ang pag-aasawa. Ang pagdidiwan namang ito ay naaayon sa kalagayan ng magaasawa.

Ang maginoo kung ibig mag-asawa sa kauri ay nagpapasugo ng mga maharlika ó timawa upang siyang lumakad ng pag-aasawa niya. Bago yumaon ang mga ito ay nagdadala ng isang sibat, sibat ng maginoong mag-aasawa, at pagdating sa bahay ng magulang ng kakaisahing-dibdib, ay isinasaksak ang sibat sa hagdanan na nilalakipan ng pagdalangin sa kanilang mga diyos at mga kanunuan upang sila'y kalingai't pagpalain sa kanilang pakay. Pagkatapos ng pagkakasunduan ay ginaganap ang pagkakaloob ng bigay-kaya na ang karaniwang halaga ay isang daang putol na ginto na maaaring palitan ng mga alipin o mga hiyas. Kung magkagayo'y sumasama ang babae sa pagparoon sa bahay ng kanyang bibiyanin na pasan ng isang lalaki at pagdating sa hagdanan ng bahay ng magiging asawa, ay nagpapakunwari munang ayaw pumanhik, at sa ganito'y sinasalubong ng biyanan at pinangangakuan na pagkakalooban ng isang alipin; kung makapanhik na, ay nagpapakunwa uli ng hindi pagtuloy agad, hangang sa di muna pangakuan ng panibago, at gayon din sa pagpapakain at pagpapainom. Pagkatapos ng mĝa pagpapakunwang ito at pag nagkatabi na ang