Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/89

This page has been validated.


— 84 —

Sa Bisaya naman at gayon din sa ibang lalawigan ng catagalugan ay may ibang ugali. Mula sa pagcabata ay ipinakikipagkasundo ng magulang ang canyang anac, at sa ganito'y ipinagpapauna ang calahati ng bigay-kaya ó bugey na ipagcacaloob na ang tawag sa Bisaya ay kalabgayan. Datawa't cung ang sino man sa magulang ng lalaki ó babae ay magkulang tungcol sa usapan ay pinarurusahan ng ayon sa utos at gayon din cung sacaling umayaw ang sino man sa mga bata, dahil sa pagsapantahang ang magulan ang naudyoc ó humicayat. Nguni't cung ang magulang ay patay na, ay nagsasaulian lamang ng ipinagpauna at di na naguusapin.

Inuugali rin ang sa paglilingcod ó sa pa ninilbihan na sa Bisaya'y tinatawag na pangagar, na ang lalaki ay naglilingcod sa magulang ng babae hangang sa gayong panahon, at ang cadahilanan ng ganitong paglilingcod ay upang mataroc ang ugali't asal ng lalaki cung mácacasundo, na siyang dating caugalian ng mga Hebreo ó mga taga Israel: caya't si Jacob ay naglingcod muna sa canyang biyanang cay Laban bago naging-asawa si Rakel.

Pagdating ng tadhanang panahon ó matapos cayang maibigay ang caganapang bigay kaya na pinagcasunduan, na ang tawag nito sa Bisaya ay ligay ó dahik, ay ipinagdidiwan ang pagcacasal ó pag-aasawa sa ipinaghahanda pa't pinag-