Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/91

This page has been validated.


— 88 —

kip sa kanyang aliping kay Bala, dahil sa siya'y hindi mag-kaanak.

Tungkol sa mga anak, ay ang anak lamang sa asawa ang kinikilalang anak sa kautusan at ang sa sandil ó babae ay hindi.

Kung nagkakaalit ang mag-asawa ay naghihiwalay, at ang humahatol sa mga ganitong sigalot ay ang mga kamag-anakan nila't ang mga matatanda at ito, ani Rizal, ay lalong mabuti kay sa kautusan ng mga inglés at ng mga frances tungkol sa paghihiwalay ng mag-asawa, sapagka't sa mga ganitong sigalot ng mga kabahay ay makapupong mabuting humatol ang mga kamag-anaka't matatanda kay sa sino mang pantas at hukom, magpakadunong dunong man. Basahin ang Kaugalian Pinanununtunan sa kapaslağan at Sigalutan.