Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/92

This page has been validated.


— 89 —

Ikalabing apat na Pangkat.


Dating Kaugalian Tungkol sa Paghihingalô, Paglilibing at Pagluluksâ.

Ang dating ugali ng mga Tagarito tungkol sa bagay na itó, ay hindi lubhang kaibá kay sa dating ugali ng iba't ibang lahi at lupain.

PAGHIHINGALÓ:

Kun ang sino man ay may-sakit at naghihingalo ay nagdáraos ng kanilang kaugalian, na ang gumaganap ay ang katolona ó katalona ó babaylana. Ang katolona ay siyang pinaka paré ó pinaka pastor na tagapangasiwa sa anomang pagdiriwan na kinaugaliang gawin. At ang katolona, kung dumádalo sa ganitong pagdiriwan, ay nagpuputong sa ulo ng inikid na bulaclác, nagsusuót ng canyang mga hiyás, nagdadalá ng canyang mga gamit na casangcapang lalagyan ng alác at canin at sa harap ng isang baboy na buhay at nang mga pagcaing nahahayin ay sumasayaw na dumadalangin sa anito ó diwata na kanilang pinapanginoon, at pagkatapos ay hinuhulaan kung ang may-sakit ay mamamatay ó hindi. Habang gina-