Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/93

This page has been validated.


— 92 —


yarihan ay pinapabanguhan (1) bukod pa sa sinusuob at ginagamot (2) ng mga gamot na di makapagpapabulok na pinakatatangi ang katás ng aloe. Ginagamit din ang katás ng ikmo na ibinubuhos sa bibig anopa't mapasok hangang sa tiyan, at sa ganito, ng makaraan ang malaong panahon ay maraming bangkay ang násumpungang di pa bulok ó tunaw.

Matapos mapanangisan at malapatan ng gamot na laban sa pagkatunaw ay isinisilid sa kabaong, datapwa't bago isilid ay ginagayakan at nilalagyan ng mga putól-putól na gintô sa bibig at sa mga mata (3). Ang kabaong naman ay buong kahoy na may takip na lapat: anopa't dimasisimuyan ng hangin ang loob, at ang tabas at anyo ay parang munting bangka.

Pagkatapos ng lahat na ito ay inililibing at sa paglilibing ay walang ano mang paghahatiran ó kung sakali ma'y ang mga kasambahay lamang
__________

(1) Ang pagsuob at pagpapabanĝo sa bangkay ay lubhang matandang kaugalian at hindi lamang ang mga dating Romano at Griego ang nag-ugali nito, kun di pati ng Hebreo na gaya ng ating nababasa sa paglilibing kay haring Asa.

(2) Itong paggamot sa bangkay upang manatili at huag mabulok ay inugali rin ng maraming lupain at lalo na sa Ejipto, dahil sa kapaniwalaang ang kaluluwa'y nagbabalik uli at ani Simon Henry Gage, ay sinaysay ni Diodoro ang kapanaligang ito noong taong 484 bago nagkatawang tao ang Panginoong Jesucristo.

(3) Anang iba ay dahil sa kapaniwalaan na kung mayaman ó may maraming baon ay sasalubunging mabuti saan man dumating; at sa ibang lupain ay inugali rin ito upang maibili, di umano, nang pagkain at kung sakaling magdadagat ay maibayad sa sasakyan at sa ganito ay ating nababasa ang pagtawa ni Luciano sa kanyang mga kalupain noong una, tungkol sa bangka at bayad ni Caronte na gaya rin ng ginawa nina Hircano at Herodes sa libingan ni David.