Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/95

This page has been validated.


— 94 —


ng mga pinakamaiging damit ng namatay at tuloy hinahainan ng sarisaring pagkain sa oras oras. Ang mga lalaki ay sinisipingan ng kianilang mga kasakbatan at ang mga babae ay ng kanilang kasangkapang pangawa.

Kung minsan ay inilalayo sa bahay at kung gayon ay nagsisiga sa silong at tuloy tinatanuran ang bahay dahil sa baka magbalik at kunin ang iba pang nangatitira, nguni't ani Delgado ay dahil sa nilalapitan ng asuwang o ng ibang hayop at sinisira ang kabaong hangang sa umalingasaw at di tuloy maingatan.

Pagkatapos na mailibing ang bangkay ay nagdiriwang ng isang kasayahan sa ikatlong araw na ang tawag ani P. San Antonio, ay tibaw at sa bahay ng namatayan idinaraos (1) [Sa pag-
_________

(1) Ang ugaling ito ay ugali rin ng iba't ibang lahi. na, magpiging o mag anyaya pagkatapos ng paglilibing: at dito sa Pilipinas ay pinagtakhang malabis ng mga taga Europa at hangang sa tinatawanan kung minsan; datapua't ani Rizal, ay inatwid gawin ang kasayahan yaon, dahil sa kapaniwalaan dito noon una na ang namatay ay giginhawa. At ngayon, ani Rizal, baga man napawi na ang kapaniwalaang yaon at sinusunod pa rin ang dating ugali, ay wala ng iba pang kahulugan, kundi ang kaugalian na lamang ng mga Tagarito na di maaring di aluki't handaan ng anoman ang mga panauhin. At sapagka't maraming dumdaalo na umaaliw at umaambag sa namatayan, ay ainasapantaha ng mga taga Europa na isang pigingan. Ang katunayan, anya, na hindi pigingan ay hindi inaanyayahan ang wala sa bahay at ang nandoon naman ay hindi na pinipilit sa pagdulog sa dulang na kung sa bagay ay ugali rito. Anya'y ang pasiyam sampu ng katapusan ay isang pakikipagsiyam ng mga kaibiga't kamag-anak sa kabahay ng naniatay, at ang mga ito, palibhasa't nanga su baliay ay liinahandaan ng kahit ano na siyang ugali; nguni't hindi piging o paganyaya, sapagka't ang mga Tagarito ay hindi nagaanyaya ng chaa lamang sa anomang pigingan. Ang catapusan na pinakahuling araw ng pagsisiyam, ay tila anyayahan na dahil sa higit na sa chaa at ang katunaya'y hapunan na nga; datapwa't ito'y sanhi ng ugali ng kalahatan dito na ang ano mang bagay ay niwawakasan ng mainam, at sa ganito'y lalong sumasaya dahil sa siyang huling araw, at sapagka't ang Tagarito ay walang ugaling magwalang kibo na di paghandaan ang mga panauhin ay sinapantaha ito ng mga taga ibang lupain na isang pistahan o sayahan.