Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/97

This page has been validated.


— 96 —

kanyang makakatulong at ang tawag dito ng mğa taga Bisaya ay bálon na sa Tagalog ay baon; at kung babae naman ay mga kagamitan ng babae ang isinisiping gaya ng mga panghabi kayo at ibp.

Nagsisipaglibing din naman sa mga batong burol (1) na malapit sa dagat at sa ibabaw ng isang malapad na bato sa Katbalogan ani Delgado ay nakita niya ang maraming kabaong at mga bungo at buto. Ang mga gayong dako na pinaglili bingan ay lubhang pinagpipitaganan nila, dahil sa kapaniwalaang kung yao'y bangitin ó galawin ó lapastanganin ay may mangyayari sa kanila na ang kanilang tawag ay balin ito'y dili iba't maging bato, ó magkasakit ó matamaan ng kidlat ó iba pang kapahamakan kaya: kaya't sa mga dakong libingan nila ay naglalagay ng bantay ó tanod upang huag daanan ng ano mang sasakyan at sino man ay huag magsalita ng kahit ano sa gayo 't gayong panahon, dahil sa malaking kasalanan sa kanila ang lumabag sa gayong ugali.

Sa Hulo at Mindanaw naman ay iba: iniupo ang bangkay sa isang upuang maybutas pagkatapos ay nilalamnan ang katawan ng alkampor na isinisilid sa pamamag-itan ng isang panghihip na

— — — — —

(1) Ang paglalagay ng bangkay sa matataas na lugal ó dako at gayon din ang pagbibitin sa mga punong kahoy ay inugali ng ilang lahi noong una, at marahil, ay upang maingatang huwag malapa ng hayop.