Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/98

This page has been validated.


— 97 —


bungbong na hinihipan sa bibig at sa ganitong paraan ay napananatili ang bangkay at di natutunaw. Matapos ito ay inililibing ng paupo (1) sa yungib na kanilang ginagawa sa ilalim ng lupa, saka hinahainan sa harap ng isang bungbong na tubig, isang pingang ikmo at ng iba't ibang pagkain pa, at niwawakasan sa pagdaraos ng kanilang kaugaliang pagdiriwan, na ani Delgado, ay naaayon sa pananalig kay Mahoma at kay Pitagoras.

PAGLULUKSA

Tungkol naman sa pagluluksa, ani Chirino, ay nagdadamit ng itim ang mga tagalog at hindi kumacain ng carne't isda, kundi kaunting gulay lamang, at ang tawag sa ganitong pagcuculasiyon ay sipa; nguni't ani Delgado ay hindi kumacain ng canin, hangang sa di macabihag (ng kaaway marahil) at nagdadamit ng yantok na inikid na umaabot hangang sa bisig, at ang ipinagpapawing gutom lamang ay saging at kamote: ano pa't kung hindi makabihag ay nagluluwat ng hangang isang taon na nangangalirang at nangangayayat tuloy, at ang tawag, anya, sa kaugaliang ito ay maglahi.

Ang mga taga Bisaya kung nagluluksa ay nagdadamit ng puti, saka nag-aahit ng buhok sa ulo

— — — — —

(1) Itong ugaling maglibing ng paupo ay dating kaugalian sa Hilagang America at di umano'y naging kaugalian din sa Timog ng Bretania.

7