Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/100

This page has been proofread.


pagtawanan ka ng madla, palibhasa’y walang ibang kapararakan ang iyong sinasabi kundi iyan lamang. At sa araw ng paghuhukom, ay hahatulan ka, alinsunod sa nararapat sa iyo!

— Siya nawa! ang itinugon ni Prayle Rodriguez,

Pagkawika nito’y nawala ang pangitain. Ang liwanag na nagbubuhat sa kingke ay naging dilaw uli. Napawi ang mahinhing bango. At nang sumunod na araw, ay nag-ibayong sigla si Prayle Rodriguez sa pagsulat ng lalo pang malalaking kahangalan.

— Siya nawa!






91