Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/107

This page has been proofread.


gagandang dalagita at mga dalaga! ...... Aray! Gusto ko na pong bumalik sa Maynila! Ang Madrid ay napariwara!

— Datapuwa’t dito’y ibibilanggo ka ng mga indiyo at ikaw ay ipatatapon kahit na walang sumbong laban sa iyo! Sukat ang sumulat ng isang lihim na pabatid ay . . .

— Kahit na po!

— Ikaw ay mamamatay ng gutom at hindi ka makasasakay sa karwahe!

— Dito’y naglalakad lamang po ako.

— Dapat mong malaman na dito ay dapat kang magpugay sa mga indiyo at kung hindi ay uusigin ka at ipatatapon,

— Kahit na po! Minamabuti ko po ang lahat nang iyan kaysa mabuhay sa piling ng mga babaing . . . magaganda.

— Dapat mong malaman na kung hindi ka magbibigay-loob sa lahat ng bagay na manais ng gubernadorsilyo ay pararatangan kang kalaban ng mga kastila.

— Tututol po ako, sasabihin kong minamahal ko ang Espanya.

— Hindi ka paniniwalaan, sapagka’t ang mga indiyo ay totoong mayayaman at nangaglalathala ng mga aklat na pinagtitibay ng mga maykapangyarihan laban sa mga prayle. .

— Kung gayon po, ay ano ang nararapat kong gawin? Ano po ang gagawin ko?

— Mamalagi ka-riyan sa pagka-prokurador!

— Ay!

— Magregalo ka ng mga bagay-bagay na galing sa Tsina at sa Hapon sa mga Ministro, sa mga Kinatawan, at sa mga Senador upang matamo ang ating mga layon.

— Opo! iyan nga! tulad ng ginagawa ng mga insik! at ano pa po?

— Hintayin mong gawin kang obispo!

— Ay! Ay!

— At pagkatapos ay Kardenal!

— Naku! naku! naku po!

{{c|98}